Sunday, March 24, 2013

Mapag-isip






Bakit ka nag-isip masyado?
Diba sabi ko sayo wag ka mag-isip masyado
Kaya ang bilis mong tumanda
Mapag-isip ka masyado!

Kung hindi ka nag-isip
Kapiling pa kita ngayon
Kung hindi ka nag-isip
Maligaya pa ko ngayon

Ang isip ay sadyang manghuhula
Inaasahan ang hindi pa nagaganap
Hindi mapakali sa mga bagay na di tiyak
Natatakot umiyak
Kahit ang puso'y humihiyaw na sa galak
Asa kang damhin ng utak
Ang isip ay ipinanganak nang laging kumokontra
Pero ang puso ang laging lumalabas na kontrabida

Masaya ka ba?
Pinagbigyan mo ang isip mong mapagdikta
Kung masaya ka
Maaaring tunay nga
Na iba ang daing ng iyong puso
Ako'y naliyo sa iyong pagkatuso
Sa pag-iisip ika'y nasobrahan
Sa pag-iisip ako'y nagkulang

Ang dali kong magtiwala
Ang dali kong maniwala
Mga salita mong pinanghawakan ko
Naglaho parang bula

Ano ang iginiit sayo?
Ano sinaksak sa kokote mo?
Bat ambilis mong magtiwala?
Bat ambilis mong maniwala?

Ang isip ko'y puno ngayon ng pagdududa
Sa mga tunay na kaganapan
Maraming katanungan
Walang kasagutan

Nasaktan na rin lang
Totodohin ko na
Wala nakong pake
Ano sabihin ng iba
Kahit ako mapahiya
Tadtarin ng paghusga
Ganyan pag ako'y bitin
Aapaw ang mga pasaring

Tinapos mo na
Ako'y tuloy tuloy pa
Kahit sa hangin ako'y magtatapat
wala naman nang mawawala
kung sakit lang naman ang kakaharapin
ano pang bago?
Hanggat may ibubuga pa
Ako'y tuloy tuloy pa
Hanggat hindi pako nag-iisip
Ako'y tuloy tuloy pa

No comments:

Post a Comment

 
Hits: Free Hit Counter